Tomelet

Paano ko bubuksan ang aking unang aklat?

Sa iyong library, i-tap ang Mag-import ng mga aklat o ang plus button, pumili ng ebook file, saka i-tap ang cover nito para buksan. Natatandaan ng Tomelet ang puwesto mo, kaya sa susunod, bubukas ang aklat kung saan ka huminto.

Na-update noong

Magdagdag ng aklat at buksan ito

  1. Buksan ang iyong library sa Home. Habang wala pa itong laman, ipinapakita nito ang Mag-import ng mga aklat; kapag may aklat na, i-tap ang plus button sa itaas.
  2. Piliin ang Mag-import ng mga aklat at pumili ng isa o higit pang ebook file. Sa Windows, Mac at Linux, puwede mo rin itong i-drag papunta sa window.
  3. Ipinapakita ng Tomelet kung ilang aklat ang naidagdag, at lalabas ang bawat isa sa iyong library kasama ang cover nito.
  4. I-tap ang isang cover para buksan ang aklat.

Wala ka pang aklat?

May I-browse ang public domain sa import screen, kung saan makakapili ka ng libreng klasiko at mada-download ito diretso sa iyong library.

Ituloy kung saan ka huminto

Sine-save ng Tomelet ang puwesto mo habang nagbabasa ka. I-tap muli ang aklat at bubukas ito sa parehong pahina.

Kailangan mo pa ba ng tulong?

Sumulat sa amin sa [email protected]. Sinasagot namin ang bawat mensahe, kadalasan sa loob ng isang araw ng trabaho. Para sa anumang tungkol sa iyong account o personal na data, sumulat sa [email protected]. Para mag-ulat ng isyu sa seguridad, tingnan ang aming pahina ng seguridad.

Kunin ang Tomelet